Alden Richards, ‘di nauubusan ng sorpresa para kay Maine Mendoza

ADVERTISING

Alden Richards, 'di nauubusan ng sorpresa para kay Maine Mendoza

Alden Richards & Maine Mendoza
Alden Richards & Maine Mendoza

Si Alden Richards talaga, palaging may sorpresa kay Maine Mendoza.

Last Saturday noon sa “Eat… Bulaga!”, may pampakiliti na naman siya sa kapareha at sa libu-libong fans nilang dalawa. Anniversary kasi ng dalaga as the newest member ng EB, kaya may mga sorpresa sila sa dalaga.

Imagine, sabihin ba naman ni Alden Richards diretsahan kay Maine Mendoza live on national television na: “Ikaw lang ang nag-iisang Maine Mendoza ng buhay ko,” ano pa nga ang magagawa mo kundi malulusaw ka sa ka-sweet-an ng binata sa dalaga, lalo pa’t sa araw-araw na papalapit na ang first year anniversary ng love team nila sa showbiz (on July 16) at ang papalapit na showing ng unang pelikulang pagtatambalan nila, ang “Imagine You and Me” mula sa direksyon ni Michael Tuviera, tunay na mapapanaginipan mo nga talaga ang binata tulad sa nagiging karanasan ni Maine palagi.

Nagigising si Maine na palaging nasa pananginip niya si Alden, tulad ng ikinuwento niya sa presson ng pelikula nila recently.

ADVERTISING

Pero si Alden, ayaw pa ring bumitaw kay Maine, kung ano mang meron sila (na until now ay ayaw nilang lagyan ng label), dahil ang alam ng binata, darating ang panahon na may pag-amin na magaganap sa dalaga na hinihintay lang niya.

Sa nakaraang 1st anniversary ni Maine sa EB last Saturday, si Alden may pasiklab sa ka-love team with a dance number, at siyemre, hindi mawawala ang surprise duet ng dalawa para sa AlDub Nation with the song “Somewhere Only We Know” na tunay namang nakakikilig.

As of press time, more than a hundred block screenings na ang naka-shedule ng fans nila na gagawin for AlDub movie.

Balita nga namin, maging ang mga taga-USA at Europe ay may mga block screenings ding isasagawa as support sa idols nila.

Sa Wednesday, July 13, na ang showing ng movie ng dalawa na kinunan sa Italy na aminado ang dalawa na dahil sa shooting nila at pagsasama sa Italya ay lalo sila naging close isa’t isa.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING