Alden Richards, ‘di maitatangging sikat na sikat na nga

ADVERTISING

Alden Richards, ‘di maitatangging sikat na sikat na nga

Alden-RichardsBONGGA AT mataas pala ang rating ng back-to-back na programa ng GMA 7, ang Sunday Pinasaya at Wowowin.

Ang kuwento sa akin ng mga bading, sa NUTAM survey daw ay nakakuha ng 9 percent ang Pinasaya at ang ka-back to back nitong Wowowin ni Willie Revillame ay 8.8 percent. Bongga, ‘di ba?

Kaya masayang-masaya ang mga taga-Pinasaya lalo na sina Ai-Ai delas Alas at Marian Rivera.

Iba-iba ang komento nila sa bagong show na ito. May ibang nanglalait, pero kahit ano pang sabihin n’yo, wagi pa rin sa ratings at gusto ng mga tao.

ADVERTISING

Sa totoo lang, bukod sa mga katatawanan nina Ai-Ai, Marian, pati sina Jose at Wally, malaking bagay rin ang partisipasyon ni Alden Richards.

Tuwing lumalabas siya sa stage, nagtitilian ang mga tao. Sikat na sikat talaga siya ngayon.

Sana ma-maintain ang mataas na rating ng Sunday Pinasaya.

Masaya rin ang Wowowin ni Willie, dahil may mga bagong games at mas energetic ang nasa audience.

Kaya tuluy-tuloy talaga ang saya sa Linggo ng tanghali.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING