Alden Richards, ‘di kayang magdala ng concert; concert sa Philippine Arena, na-cancel

ADVERTISING

Alden Richards, ‘di kayang magdala ng concert; concert sa Philippine Arena, na-cancel

Alden Richards, ‘di kayang magdala ng concert; concert sa Philippine Arena, na-cancelBinash nang husto si Alden Something all because hindi pala niya kayang magdala ng concert.

May lumabas kasing report na na-cancel ang “Sa Totoong Buhay Naman” concert niya sa Philippine Arena noong February 20. That means, kasabay sana ng concert niya ang Araneta concert nina  James Reid and Nadine Lustre, ang JaDine Love.

Ang chika, nakansela ang concert ni Alden dahil 74 tickets lang na nabenta gayong 55,000 ang seating capacity ng Philippine Arena. Kasama dapat ni Alden Richards sina Jose Manalo, Wally Bayola, Jerald Napoles, Ruru Madrid, Jon Lucas, at That’s My Bae guys sa nasabing concert.

To the rescue naman ang Aldub Files website which said:

ADVERTISING

“ALDUB NATION was told that Alden together with Wally, Jose and Jerald Napoles were just guests. IT IS NOT ALDEN’s CONCERT! He will just be singing a few songs.

“If it is his concert, he will promote it. But the only time he promoted it was 2 days before the show.”

Nakakaloka pero hindi ito ang intindi ng marami sa naunang post ng nasabing website.

“Since the “Tamang Panahon” Alden Richards will be making a comeback at Philippine Arena for a concert for a cause together with JOSE AND WALLY and possibly PAOLO. Jerald Napoles will also grace the show with special participation of EAT BULAGA’S THAT’S MY BAES.

“Save the date aldub nation its on FEB 20 a post valentines concert. Lets show our support for ALDEN AND JOWAPAO and make this concert successful.”

So, halatang hindi swak ang paliwanag ng nasabing website.

Sana, noong una pa lang ay klinaro na nila na hindi ito concert ni Alden. Mahirap paniwalaan ang kanilang pahayag kasi sa poster ng nasabing concert ay kitang-kita na si Alden ang ibinebenta. Nasa gitna ang photo niya kasama sina Wally Bayola, Jose Manalo, Ruru Madrid, at Jerald Napoles.

With the cancellation ay nalait tuloy nang husto si Alden Richards kasama ang Aldub Nation na pagkayayabang.

“Asan n yun d b 41million ang aldub anung nangyare asan n cla ngaun akala kc nila lebre hahaha kawawa naman kinancel yung concert n bae dahil tumapat sa jadine haha alam n qng cnu talaga ang my kaya bumili nang ticket sa march 18 andtu rin ang jadine sa Qatar.”

“tinalo ng jaden eii. napuno ang smart araneta last night. kawawa nman ang kabila sana nilebre nlng nila ng ticket para mapuno dn ang phil,arena.”

“waley talaga kung si alden lang..dapat lagi niyang bitbitin si yaya para may manood naman..talaga namang si yaya lang ang dahilan noon kung bakit pumatok ang aldub.”

“MilLioN tweEts dw tpos nganga ang coNcert.”

“whahahah…sarap ipa trend to sa tweeter…hahaha.”

Bakit hindi na lang aminin na hindi pa carry ni Alden na magdala ng sariling concert.

At ‘yung Aldub Nation ay walang pambili ng ticket para panoorin ang idol nila?

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING