Alden Richards, ‘di ikinahihiya ang dinanas na hirap sa buhay

ADVERTISING

Alden Richards, 'di ikinahihiya ang dinanas na hirap sa buhay

Alden Richards
Alden Richards

Proud daw at hindi ikinahihiya ni Alden Richards na dumating sa punto ng kanyang buhay na kapos ang kanyang pamilya sa maraming bagay.

Ayon nga sa isang inyerview kay Alden Richards, “These, everything that has been happening to my life, she’s the one who imparted it to me.

“I really didn’t want any of this when I was starting. My plans were to graduate college kahit na mahirap kasi ‘di naman kami mayaman.

“So we were really struggling to pay the tuition fees and there were times talaga na we have to choose who would go first to college,” pag-alala pa niya.

ADVERTISING

Sa ngayon nga, sa tagumpay na kanyang tinatamasa, hindi na muling mararanasan pa ni Alden ang pinagdaanang hirap.

Kaya naman daw maingat ito sa kanyang mga kinikita. Aminado naman daw kasi ito na hindi lifetime ang kasikatan, kaya naman nag-i-invest ito sa negosyo para na rin preparasyon sa kanyang future at sa future ng kanyang minamahal na pamilya.

Wish nga nito na mas tumagal pa ang love team nila ni Maine Mendoza, ang other half ng Phenomenal Love team na AlDub para mas marami pang proyektong dumating sa kanilang dalawa.

Excited na nga ito sa nalalapit na pagpapalabas ng kanilang pelikula ngayong Hulyo.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING