Alden Richards, dahilan ng pagkakagulo sa Star Awards

ADVERTISING

Alden Richards, dahilan ng pagkakagulo sa Star Awards

Alden-RichardsGrabe talaga ang kasikatan ni Alden Richards nang dumating ito sa 29th PMPC Star Awards for TV last December 3 sa Kia Theater. Dumagundong ang sigawan at palakpakan ng fans at ng mga dumating sa okasyon.

Sa harap ng stage, sa first row pinaupo si Alden katabi ng loveteam nina Enrique Gil at Liza Soberano na super ganda in person. Naging okey naman ang tatlo at nagtsikahan pa nang biglang dinumog ng fans si Alden kaya kinailangang itigil sandali ang show at iniakyat sa stage si Alden para matigil ang hiyawan at pagkakagulo ng fans.

Sa backstage, sa isang kuwarto nadatnan namin si Alden at nagpapasalamat sa naging pagtanggap sa kanya nang dumating sa Star Awards for TV. Gusto sanang bumalik ni Alden sa harap sa kinauupuan niya, pero ayaw na siyang payagan para maiwasan ang pagkakagulo ng fans.

Anyway, sa room ay nakatsikahan namin sandali si Alden at masaya ito sa parangal na ipinagkaloob sa kanila ni Maine Mendoza kasama ang loveteam nina Liza at Enrique galing kay German Moreno.

ADVERTISING

When asked kung posible ba silang magkatuluyan ni Maine Mendoza?

“Of course, single siya at single din ako!” kaagad na sagot ni Alden.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING