Alden Richards, committed na raw kaya imposibleng ma-in love kay Maine Mendoza

ADVERTISING

Alden Richards, committed na raw kaya imposibleng ma-in love kay Maine Mendoza

Alden Richards & Maine Mendoza
Alden Richards & Maine Mendoza

Ano ba, mga kuya at mga ate? Ano ba talaga sina Maine Mendoza at Alden Richards?

ADVERTISING

Sabi sa mga press release, sina Maine at Alden daw, pero ang katotohanan, kapag tinatanong ang binata sa totoong status nila ni Maine, ang paandar lang ni Alden, “sa tamang panahon”. Ano ‘yun?

Hindi na sila mga bagets na ang no label or no confirmation ay hindi na bagay sa Maine-Alden “relationship”?

Palusot na lang na sala sa init-sala sa lamig na nakapagtataka dahil gayong dalaga si Maine at hindi committed.

ADVERTISING

Sa madalas na pagsasama ng dalawa, imposibleng hindi ma-develop ang binata sa dalaga. Sa looks naman, hindi masasabing pangit ang dalaga para hindi magustuhan ni Alden.

O baka tama at may katotohan ang sabi ng isang kaibigang kolumnista na very vocal, na ang relasyon diumano nina Alden at Maine ay para lang sa publiko at isang paandar lang, dahil si Alden ay wala ni katiting na katotohan sa sinasabing “relasyon” sa dalaga? Dahil daw mula pa noong nag-uumpisa pa lang siya sa kanyang showbiz career, committed na raw si Alden sa isang napakaimportanteng tao sa buhay niya.

Kung sino ‘yun, malalaman din ng fans nina Alden at Maine, dahil malapit nang sumabog ang isang lihim.

Ang iba pang detalye sa “secret love affair” ni Alden ay mababasa sa mga darating na araw at mababalitaan n’yo na lang.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING