Alden Richards, “Cancel King” ang bagong title

ADVERTISING

Alden Richards, “Cancel King” ang bagong title

Alden Richards
Alden Richards

May bagong taguri kay Alden Richards: Cancel King.

ADVERTISING

Kasi naman ay tila sunud-sunod na ang pag-cancel ng kanyang shows, the latest of which was his show sa Pampanga.

Hindi ito ang first time na na-cancel ang concert ni Alden, huh!

Ang say ng organizers ng concert, security reasons ang dahilan ng pagkaka-cancel ng show ng binata. May banta raw kasi sa buhay ni Alden Richards dahil isang fan ang nagbantang pasasabugin ang venue kapag natuloy ang concert.

ADVERTISING

Pero hindi kami naniniwala roon. Ang feeling namin ay hindi napupuno ni Alden ang concert venue, dahil matumal ang bentahan ng ticket niya.

Wala naman kasing promotion sa show. Hindi nakapag-promote si Alden dahil ilang linggo siyang wala sa bansa. Nasa Italy kasi siya for the shooting of his movie with Maine Something. Wala kaming nabalitaang magkakaroon siya ng show sa Pampanga.

Isa pa, unti-unti nang lumulubog si Alden. Lalo pa siyang nawalan ng kinang nang may isang basher ang nag-post sa social media na kaplastikan lang ang ipinakikita niyang sweetness kay Maine. Na kapag wala na ang camera ay nagkakanya-kanya na sila ng lakad. Na walang romantic something na namumuo talaga sa kanila.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING