Alden Richards, binilihan ng 5-bedroom house ang pamilya

Alden Richards, binilihan ng 5-bedroom house ang pamilya

Alden-RichardsLabis-labis daw ang kasiyahang nararamdaman ng Pambansang Bae na si Alden Richards sa pagkakaroon ng 5-bedroom house na titirahan nila ng kanyang pamilya sa June.

Tsika nga ni Alden, “Masarap po ‘yung feeling, kasi alam ko po kung paano bahain ‘yung bahay, na naghihintay ka na lang lumubog.

“So, tapos nagre-rent po kami, e. Sabi ko, nag-usap-usap po kami ng family, sabi ko, ‘Okay lang naman ako na magbayad ng medyo mahal nang konti, basta ‘yung titirahan natin, atin na.’

“Hindi na po kami kakaba-kaba na… ang hirap din po kasing tumira sa bahay na hindi sa ‘yo, e. ‘Tsaka po binabaha.

“So, iyon po, very happy! At least, mas mapapalagay na po ‘yung lolo’t lola ko. Kasi mas malaki po ngayon ‘yung gagalawan nila.”

Regalo raw ito ni Alden Richards sa kanyang buong pamilya. Basta nakikita raw nitong ayos at masaya ang kanyang pamilya, masaya na rin siya.

John’s Point
by John Fontanilla