Alden Richards at Maine Mendoza, tadhana ang makapagsasabi sa kanilang forever

ADVERTISING

Alden Richards at Maine Mendoza, tadhana ang makapagsasabi sa kanilang forever

Alden Richards & Maine Mendoza
Alden Richards & Maine Mendoza

Marami na ang nasasabik at talaga namang nag-aabang sa itinuturing na ‘Movie of The Year’, ang pelikulang “Imagine You & Me” na pinagbibidahan nina Alden Richards at Maine Mendoza, hatid ng APT Entertainment, GMA Films, and M-ZET Television at showing na sa July 13.

Kung saan saan one month na nag-stay ang cast and crew sa Lago, Italy para sa shooting ng nasabing pelikula ng AlDub. At dito rin makikita ang bonggang tahanan ng ilang Hollywood stars gaya nina George Clooney at Silvester Stallone, kung saan nag-shooting sina Maine at Alden Richards.

At sa tagal nga ng pagsasama ng dalawa sa shooting, mas lumalim ang bonding nina Alden at Maine at mas marami silang nalaman sa isa’t isa.

Kaya naman sa engrandeng presscon ng kanilang pelikula, natanong ang dalawa if magiging forever na ba ang kanilang samahan.

ADVERTISING

Sagot ni Alden, “Anything is possible. We’ll just go with the flow. If we’re bound to last 30… 50… 60 years, then it will happen.”

Pahabol pa ni Alden, “What you see is what you get.” sabay ngiti ng binata.

Sabi naman ni Maine Mendoza, “Destiny ang makapagsasabi kung magkakatuluyan kaming dalawa. Naniniwala ako na ang aking Mr. Right ay darating sa tamang panahon.”

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING