Alden Richards at Maine Mendoza, record-breaking sa nagawang 12 commercials in 2 months

ADVERTISING

Alden Richards at Maine Mendoza, record-breaking sa nagawang 12 commercials in 2 months

Alden-Richards-Maine-MendozaMula sa planong sampu, 12 commercials na pala ang nagagawa ng phenomenal loveteam na AlDub na binubuo nina Alden Richards at Maine ‘Yaya Dub’ Mendoza.
Hindi na talaga maawat pa ang kasikatan ng “Eat… Bulaga!” Kalyeserye stars dahil may 8 commercials pa raw ang mga itong gagawin bago matapos ang taon or early next year.
At kahit nga ang Pambansang Bae at 2015 PMPC Star Awards Best Actor for Ilustrado na si Alden, hindi pa rin makapaniwala sa maraming blessings na dumarating sa kanya. Kaya naman daw labis-labis ang pasasalamat nito sa lahat ng AlDub Nation at sa kanyang nga Aldenatics na walang sawang sumusuporta sa kanila ni Maine.
At sana nga raw, sa darating na Dec. 25, manood lahat ng AlDub Nation sa kauna-unahang pelikula nila ni Maine, ang “Bebe Love, Kilig Pa More”, kung saan kasama nila sina Vic Sotto at Ai Ai delas Alas sa direksiyon ni Joey Reyes.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING