Alden Richards at Maine Mendoza, posibleng mauwi sa totohanan

ADVERTISING

Alden Richards at Maine Mendoza, posibleng mauwi sa totohanan

AlDubKUNG PAGBABASEHAN ang naging pahayag ni Alden Richards kung mayroon ba silang nararamdaman pressure ni Maine Mendoza sa dream ng AlDub Nation na magkatuluyan sila ay wala naman daw.

ADVERTISING

Ayon kay Alden, ngayon pa lang sila nagkakilala ni Maine at hindi raw niya isinasara ang posibilidad na mauwi sa totohanan ang nadarama nila sa isa’t isa. Lalo na ngayon ay nakikita raw niya ang magagandang katangian ni Maine.

Sabi pa ng Pambansang Bae, unti-unti raw niyang binubuksan ang sarili kay Maine para makilala siya nito. Mahiyain daw kasi si Yaya Dub at hindi pa masyadong nagkukuwento tungkol sa kanya. Kaya siya (Alden) na raw mismo ang gumagawa ng paraan para mas mapalagay ang loob sa kanya ng dalaga.

Dahil nagsimula na ang shooting ng My Bebe Love, movie entry nina Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas, kung saan kasama rin ang tandem nina Alden at Maine, inaasahan na ni Alden na mas marami pa silang bonding moments ni Maine.

ADVERTISING

Naitsika rin ni Alden na nakilala na niya ang mga magulang ni Maine at ganoon din naman daw si Maine sa pamilya niya. Mabait daw ang magulang ni Maine at at masaya siya sa pagtanggap sa kanya ng mga ito.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING