Alden Richards at Maine Mendoza, pinipirata ng ibang TV networks?

ADVERTISING

Alden Richards at Maine Mendoza, pinipirata ng ibang TV networks?

Alden-Richards-Maine-MendozaDAHIL SA tinatamong kasikatan nina Alden Richards at Maine Mendoza (Yaya Dub), bigla na lang sumabog ang balitang pinipirata na ng ibang istasyon ang AlDub. Pero ayaw magbigay ng buong detalye si Joey de Leon tungkol dito.

ADVERTISING

Ayon nga kay Joey, “Ewan ko… ayaw kong mag-comment diyan dahil nasa kanila na ‘yun. Sabi ko nga, kung gusto nga nila, sa amin na lang sila magtrabaho. Pati ‘yung kabila ay welcome naman sila… bukas ang pinto.”

Hindi rin daw nakikita ni Joey na mag-eendorso ang AlDub ng sinumang kandidato sa eleksyon sa 2016.

“Hindi siguro. Kasi parang mga bata pa sila, napakalayo sa itinatakbo ng buhay nila. Pero we we’ll see… ewan ko kung si Tito Sen lang.”

ADVERTISING

Sabi naman ni Joey sa mga sumabotahe sa hashtag noong Sabado, “Sabi ng anak ko, 300k spam tweets dahil sa maling hashtag… dahil may nanggugulo. Bakit hindi na lang sila sumali sa atin? Ako rin, nabiktima. Ako rin nagkamali. Pero kung meron man akong ipagpapasalamat sa AlDub phenomenon, aba natututo akong mag-tweet sa social media. ‘Yung sa maling hashtag, panggugulo lang ‘yan…. ewan ko ba sa iba, bakit gustung-gusto nila? ‘Di ko malaman kung naiinggit sila. Saka ‘di naman natin alam kung sino ang mga ‘yan, pero maliit  lang ‘yan, ‘di na pinapansin. Nagsisisi na ang mga ‘yan, imbes na kasama sila sa Twitter party, hindi sila nakasama,” pagtatapos ni Joey.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING