Alden Richards at Maine Mendoza, pinag iingat sa mga hackers

ADVERTISING

Alden Richards at Maine Mendoza, pinag iingat sa mga hackers

Alden-Richards-Maine-MendozaPINAG-IINGAT NA ang pinaka sikat na loveteam sa bansa na sina Alden Richards at Maine “Yaya Dub” Mendoza o mas kilala sa buong Mundo bilang AlDub ng Eat Bulaga’s Kalyeserye dahil na rin sa mga banta ng pangha-hack sa kani-kaniyang social media accounts (Facebook, Twitter, at Instagram), kung saan nalalaman ng kanilang loyal AlDubnation supporters ang mga latest updates sa kanilang dalawa.
Dahil nga sa taas ng likes at followers ng dalawa, ‘di maiwasang may mga taong naiinggit sa kasikatan ng mga ito na gagawin ang lahat para ma-hack ang kanilang social Media accounts na ilang milyon na ang followers at likers.
Kaya naman daw todo at doble ingat ang dalawa para hindi na maulit ang nangyari kay Maine na na-hack ang kanyang personal Twitter account.
At kahit ang ibang mga host ng Eat Bulaga ay nag-iingat na rin nang hindi ma-hack ang kani-kaniyang social media accounts.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING