Alden Richards at Maine Mendoza, parehong loveless, posibleng magka-inlaban

ADVERTISING

Alden Richards at Maine Mendoza, parehong loveless, posibleng magka-inlaban

Alden-Richards-Maine-MendozaExcited ang marami sa unang tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza (AlDub) sa darating na MMFF 2015 sa December 25, dahil matutunghayan ng mga fans nila na nagsimula sa telebisyon na ngayon ay pampelikula na.

Sa katunayan, sa media launch ng pelikulang “My Bebe Love: Kilig Pa More”, pinagkaguluhan sila ng media. Sa totoo lang, sila ang naging atensyon ng media sa open forum na nang maagang umalis ang dalawa for a prior commitment, ang media, nag-alisan at iniwanan na sina Ai-Ai delas Alas at Bossing Vic Sotto.

Sa hallway ng presscon venue, nagsiksikan ang media na gustong makakuha ng picture ng dalawa. Nagmamadali ang mga television network cameraman para makakuha ng magandang anggulo sa dalawa.

Pero sa nangyaring presscon, nairita ang ilang press na naghintay nang matagal (maagang dumating sina Ai Ai at Bossing Vic) pero ang Aldub, late na nga umapir ay maaga pang umalis dahil may commitment daw sila (na magkahiwalay).

ADVERTISING

Kung tama ako, first time silang humarap sa media na magkasama. First time kong nakita si Maine na ang dating sa akin ay tila may aura na ng “nega attitude”. Pero para pangkiliti sa mga fans nila. Inamin nila na both are loveless and single at hindi malayo na si Maine maligawan ni Alden lalo pa’t palagi silang nagkikita halos araw-araw sa EB.

Sa totoo lang, ang sipag ni Alden. Ngarag din siya sa left and right commitments like tapings, shooting ng kanilang TVC, at mga personal appearances, na pati lovelife niya kung meron man ay naisasantabi.

Nice to learn na ang kasikatan ngayon ni Alden ay nagbibigay katuparan sa kanyang pangarap na makapagpatayo ng bahay niya sa Sta. Rosa, Laguna sa Nuvali, na noon pa man bago sumikat ang Aldub love team ay napasimulan na niya.

Mas mabilis ang pagpapagawa ng bahay niya ngayon dahil may pondo na siya. Kahit sa Manila ang trabaho ng binata, bumibiyahe pa rin siya araw-araw para sa kanyang commitments at umuuwi sa Laguna para roon matulog.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING