Alden Richards at Maine Mendoza, nakuhanang magkahawak-kamay sa kasal nina Vic Sotto at Pauleen Luna

ADVERTISING
courtesy of Facebook: Sol Gorgonio Rula
courtesy of Facebook: Sol Gorgonio Rula
courtesy of Twitter: AlDub Maiden Nation
courtesy of Twitter: AlDub Maiden Nation

Maliban sa nakakikilig na kasalan nina Vic Sotto at Pauleen Luna sa St. James The Great Parish sa Ayala Alabang Village kahapon, Sabado, January 30, kinakiligan din ng fans ang tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza na nakuhanan ng litrato na magkahawak ang kamay katabi ang officiating priest sa kasal na si Father Jeffrey Quintela.

Mabilis na kumalat sa social media ang nasabing litrato na ipinost sa Twitter account ng AlDub Maiden Nation.

Walang tigil naman ang panunukso ng AlDub fans na sa tamang panahon, baka-sakali, mauwi rin sa harap ng dambana ang kanilang mga idolo.

Sa nasabi ngang kasal nina Vic at Pauleen, talagang tinutukan ng fans sina Alden Richards at Maine, mula sa sabay nilang pagmartsa papasok ng simbahan hanggang sa kanilang partispasyon sa offertory para sa misa.

By Parazzi Boy

ADVERTISING
ADVERTISING