Alden Richards at Maine Mendoza, miss na miss na AlDub Nation

Alden Richards at Maine Mendoza, miss na miss na AlDub Nation

Alden Richards & Maine Mendoza
Alden Richards & Maine Mendoza

Miss na miss na raw ng AlDub Nation ang kanilang fave love team na AlDub nina Maine Mendoza at Alden Richards na hanggang ngayon ay nagsi-shooting pa rin sa Italy.

At kahit nga updated sila sa mga nagiging kaganapan sa shooting ng AlDub through social media, iba pa rin daw kapag in person at malapit sa kanila ang kanilang mga idolo.

Kaya naman daw super excited na ang mga ito sa pagbabalik ng AlDub next week, kung saan regular na muling mapanonood ang mga ito sa kalye serye ng “Eat… Bulaga!”.

John’s Point
by John Fontanilla