Alden Richards at Maine Mendoza, may sorpresa sa fans sa July

Alden Richards and Maine Mendoza
Alden Richards and Maine Mendoza

Hindi magkamayaw sa sobrang saya ang mga tagahanga ng Phenomenal Love Team nina Alden Richards at Maine Mendoza (AlDub) sa naging announcement ng dalawa sa launching nila bilang mga bagong kapamilya ng Bench sa TriNoma Activity Center nung Miyerkules nang gabi, kung saan may sariling line ng pabango si Maine at Bench Fix naman ang kay Alden Richards (Clay Doh Lite ng Bench Fix Salon).

Ayon kay Maine Mendoza, “Tiyak na matutuwa kayo, magandang anniversary gift ‘yon para sa inyo.”

Dagdag naman ni Alden, “It’s something everyone has been waiting for. Para po sa inyong lahat. Abangan n’yo po ‘yon.”

At sa announcement na ito ng dalawa, samu’t saring hula na mula sa AlDubNations ang nabuo. May nagsasabing teleserye ito, habang ang iba naman ay solo movie nilang dalawa.

Maalalang July 2015 ‘nabuo’ ang Phenomenal Love Team na AlDub sa kalyeserye ng “Eat… Bulaga!”. Kaya naman ito ang magiging pasabog nila sa kanilang first anniversary bilang magkapareha.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleKris Aquino, ‘di pa rin magawang manahimik
Next articleBea Alonzo at Paulo Avelino, nakitang magkasama sa Singapore

No posts to display