Alden Richards at Maine Mendoza, may dahilan para tigilan na ang ‘Kalye Serye’

ADVERTISING

 alt=

Alden Richards And Maine Mendoza
Alden Richards And Maine Mendoza

May dahilan naman pala kaya biglang tinapos na ang hit segment ng “Eat… Bulaga!” na ‘Kalye Serye’ ng phenomenal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Iyon din umano ang dahilan kung bakit walang violent reactions, maging sa social media, ang AlDub fans.

Pinagbigyan kasi ng GMA network ang kahilingan ng fans at niluluto na ngayon ng network at ng APT ang teleserye nina Alden at Maine.

Sa kainitan kasi ng ‘Kalye Serye’, lumabas ang balitang gagawan ng GMA ng remake ang hit Korean series na “My Love From The Star”, kung saan mapupunta kay Alden ang ginampanang lead role ni Do Min-joon habang kay Jennylyn Mercado naman ang lead role na ginampanan ni Cheon Song-yi.

ADVERTISING

Hindi pa man pormal na in-announce, binatikos na ng fans ang desisyon umano ng network na itambal si Alden kay Jennylyn. Ipinagpilitan ng fans na dapat mauna munang magkaroon ng teleserye sina Alden at Maine bago pa ipareha sa ibang female star si Alden.

Pinag-initan din ng ilang die-hard AlDub fans si Jennylyn sa social media. Para sa kanila kasi, exclusive lang si Alden kay Maine, at wala nang iba pa.

Nakinig naman ang network, kaya tsugi na ang ‘Kalye Serye’.

Samantala, pansamantalang shelved ang remake ng nabanggit na Korean drama dahil wala silang makuhang aktor mula sa kanilang bakuran na babagay sa role na ginampanan ni Do Min-joon.

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

ADVERTISING