Alden Richards at Maine Mendoza, mas naging close nang magsama sa shooting sa Italy

Alden Richards at Maine Mendoza, mas naging close nang magsama sa shooting sa Italy

Alden Richards and Maine Mendoza
Alden Richards and Maine Mendoza

Bukod sa shooting sa Italy ng hottest love team sa bansa, ang AlDub, na kinabibilangan nina Alden Richards at Maine Mendoza, nagsilbi rin itong bakasyon at bonding ng dalawa.
Base nga sa mga kuhang larawan nina Alden at Maine Mendoza, kitang-kita ang sobra-sobrang enjoyment ng mga ito habang nagsi-shooting.
Mas nakilala nga raw ng mga ito ang isa’t isa lalo na’t medyo matagal-tagal din silang magsasama sa Italy. Marami nga ang nagsasabing baka raw sa pagbabalik ng dalawa ay mas maging malalim na ang kanilang pagsasamahan o more than friends na.
Umaasa nga ang AlDub Nation na sa pagsasama ng kanilang nga idolo nang matagal sa Italy ay magiging sila na, na dream ng karamihan sa kanilang mga tagahanga.

John’s Point
by John Fontanilla