Alden Richards at Maine Mendoza, maraming nakalinyang shows 2016

ADVERTISING

Alden Richards at Maine Mendoza, maraming nakalinyang shows 2016

Maine-Mendoza-Alden-RichardsPANIGURADONG NAG-UUMAPAW na blessings ang matatanggap ng Phenomenal Loveteam na AlDub nina Alden Richards at Maine ‘Yaya Dub’ Mendoza sa pagpasok ng 2016, dahil ayon mismo sa mga big boss ng GMA 7, maraming proyekto ang nakatakdang gawin ng Aldub.

Ayon nga kay GMA President and COO Gilberto Duavit, “Aside from the prospects of a television program involving both of them together, there are other plans in discussion or in the pipe.”

Malaki nga raw ang naging epekto ng kalye­serye ng Eat Bulaga sa GMA 7, dahil nadamay sa pagtaas ng ratings nito ang ibang programa ng Kapuso Network.

“Looking at how that phenomenon has brought audiences back to GMA after a certain period of time, I think that can be very clearly established by the ratings.”

ADVERTISING

Ayon naman sa GMA Network Chairman and CEO Felipe L. Gozon, walang magiging problema sa relasyon nila with TAPE, Inc., ang producer ng longest-running noontime show na Eat Bulaga.

“Fortunately, our relationship with TAPE has not been any better than it is now. We have been together for 17 years and we have gained experience. So we are expecting that this relationship will continue as it did before.”

 

UpgradeUpgrade, ayaw makipag-compete sa ibang Pinoy boybands

 

KAYSA RAW kasi makipag-compete, mas gusto ng mga itong paghusayan na lang ang kanilang talento sa pagkanta at pagsayaw nang sa gayon ay mas maging mahusay silang grupo.
Lalo na ngayon na malapit-lapit na ang kanilang firts major concert na magaganap sa Music Museum sa December 4, 8 p. m. na hatid ng The Aquoeous Group of Companies at Star Image sa pakikikagtulungan ng Aficionado Germany Perfume, Royqueen, Cardams, Ysa Skin and Body Experts, Cre8 Salon, Fernando’s Bakeshop, Showbitz, at Hea Watches.
Kasabay ng konsiyerto ng Upgrade ang launching ng kanilang self-title album, ang Upgrade, Ustoppable na naglalaman ng 5 all original songs na ang mga miyembro ng Upgrade mismo ang nag-compose.

 

Ria-Atayde-Sylvia-SanchezRia Atayde, may offer na mag-host sa isang international channel

 

MAY OFFER daw para sa magandang anak ng award-winning actress na si Ms. Sylvia Sanchez na si Ria Atayde na mag-host sa isang international channel, pero mas pinili raw nitong mag-artista katulad ng kanyang ina at kapatid (Arjo Atayde) via Ningning, kung saan ginagampanan niya ang role bilang si Teacher Hope.

Gusto raw muna ni Ria na subukan ang pag-arte and then later on ay ang pagho-host ang kanyang susubukan. Bukod nga sa magandang mukha ay maraming manonood ng Ningning ang nagsasabing katulad ng kanyang inang si Ms. Sylvia at kapatid na si Arjo, taglay rin nito ang galing sa pag-arte kaya naman madali itong napansin ng mga manonood.

Everytime daw kasi na may taping si Ria ay pinag-aaralan na kaagad nito ang kanyang script bago pa sumalang sa kukunang eksena. Binibigyan din daw ito ng advice ng kanyang Mommy Sylvia at kuyang si Arjo tungkol sa pag-arte na kanya namang ginagamit.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING