Alden Richards at Maine Mendoza, magbibida sa remake ng Koreanovela “My Love From The Stars”?

Alden Richards at Maine Mendoza, magbibida sa remake ng Koreanovela "My Love From The Stars"?

Alden Richards and Maine Mendoza
Alden Richards and Maine Mendoza

Bukod sa pelikulang pagbibidahan nina Alden Richards at Maine Mendoza under GMA Films at APT Films na siyang magiging regalo raw ng dalawa sa kanilang mga tagahanga, especially ang kanilang AldubNation, ay may isa pa raw regalo ang dalawa sa kanilang mga tagahanga.
Bulung-bulungan nga sa apat na sulok ng showbiz ang pagkakaroon daw nina Alden Richards at Maine Mendoza ng kanilang kauna-unahang teleserye ngayong taon. Ito nga ang isa pa nilang regalo sa kanilang mga tagahanga.
At ang Pinoy version daw ng sikat na sikat na Koreanovela na “My Love From The Stars” daw ang pagbibidahan ng dalawa, na pinagbibidahan ng Korean superstars na sina Kim Soo Hyun at Jun Ji Hyun at ipinalabas din sa GMA 7.
Excited na nga raw ang AldubNation sa mga magiging proyekto ng kanilang iniidolong love team, lalo na’t kauna-unahang solo movie at solo teleserye ito nina Alden at Maine.

John’s Point
by John Fontanilla