Alden Richards at Maine Mendoza, mag-iikot sa mga Kapuso shows

ADVERTISING

Alden Richards at Maine Mendoza, mag-iikot sa mga Kapuso shows

Alden Richards & Maine Mendoza
Alden Richards & Maine Mendoza

Matutuwa ang mga tagapanood ng Kapuso Network.

Mukhang iikot na sa mga TV shows ng GMA 7 itong Phenomenal Love Team nina Alden Richards at Maine Mendoza. Bakit ka n’yo? Aba may movie yata silang “Imagine You and Me” na malapit na ngang i-showing sa July 13, Wednesday, sa sandamakmak na sinehan.

Sa Friday nga sa sinasabing ‘Pambansang Gag Show’ na “Bubble Gang”, sila nga ang panauhin. Dito ay makikihalubilo ang daalawa sa mga regular casts. So,tiyak na tututok ang AlDub fans sa darating na Friday night.

Ang tanong tuloy ng marami, tumaas kaya nang sobra ang ratings ng said program? ‘Yan ang aabang natin.

ADVERTISING

Siyempre naman sa sobrang dami ng kanilang following, at siguradong riot nga ang magiging kalalabasan nito.

Kaya huwag kaligtaan, tiyak na maraming shows pa sa Kapuso sila masisilayan. Hindi lang sa “Eat… Bulaga!”.

Kailangan din nilang mag-promote, ‘no! Or else…

Isang taon na pala ang kanilang love team at dito masasabing mabilis ang panahon. At wish ng maramingh fans, sana habang buhay na silang magkasama.

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

ADVERTISING