Alden Richards at Maine Mendoza, kapwa itinangging P1-B ang target gross ng kanilang pelikula

ADVERTISING

Alden Richards at Maine Mendoza, kapwa itinangging P1-B ang target gross ng kanilang pelikula

Alden Richards & Maine Mendoza
Alden Richards & Maine Mendoza

Hindi naman pala totoo ang tsismis na ang P1 billion ang target gross nina Maine Mendoza at Alden Richards para sa launching movie nilang “Imagine You and Me” na showing on July 13. Ito mismo ang pinabulaanan ng dalawa nu’ng humarap sila sa press kamakailan.

“Wala pong ganu’n. Wala pong ganu’n, wala naman tayong ganu’ng target,” paglilinaw ni Maine na dinagdagan din ni Alden Richards.

“Wala pong ganu’ng target. Kasi ‘yan din po ang ikinaganda sa mga producers namin, especially kay Tatay po, Mr. Tuviera, na pinangarap po ni Mr. Tuviera na makawa ng ganitong klaseng pelikula, pinangarap niya na magkaroon ng isang pelikula na maisi-shoot po sa Italy.

“So, kumbaga, para po kay Mr. T. na nagawa namin ang ganitong pelikula, is more than enough success for us. So, kumbaga, ‘yung lahat na lang po ng darating, mag-gross man po ng 1 billion in Jesus’ name, naku, thank you, Lord!

ADVERTISING

“And kung mag-break po ng records ‘yung movie, bonus po ‘yun sa amin. Pero the mere fact po na nagawa namin ‘yung pelikula na sobrang hirap – dumaan po kami sa butas ng karayom sa paggawa nito, hindi po madali lahat – is already a success for us,” dire-diretso niyang pahayag.

Sabi naman ulit ni Maine Mendoza, “And ang talagang objective lang naman natin is mapaligaya ‘yung mga taong sumusuporta sa atin from the very beginning, parang isa nga ito sa anniversary gift natin sa kanila, ‘di ba? So, ayun po, ‘yun lang naman ang gusto namin, na sana po, mapaligaya sila ng pelikulang ito.”

Marami ring naka-line-up na block screenings para sa “Imagine You And Me” ayon kay Maine.

“Sobrang dami po. Last time, I checked, 57 na po.”

Ipalalabas din ang pelikula sa ibang bansa. Hindi pa lang idinetalye ng magka-love team kung saang mga bansa.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING