Alden Richards at Julie Anne San Jose, nag-iwasan sa isang event

Alden Richards at Julie Anne San Jose, nag-iwasan sa isang event

Alden-Richards-Julie-Ann-San-JoseNA-FEATURE NAMIN sa Startalk ‘yung pag-iiwasan nina Alden Richards at Julie Anne San Jose sa event ng Preview magazine nu’ng nakaraang linggo.

Matagal na pala ang isyu nilang dalawa, pero hanggang ngayon ay hindi pa sila nagkakabati dahil sa nakialam na kasi ang mga fans.

Alam ng mga fans ang buong kuwento at siyempre, OA ang suporta ng mga fans ni Julie Anne, na-bash yata nang husto si Alden.

Pero hindi na nagsasalita ang Kapuso young actor, ‘yun nga lang hindi pa sila nagkakaayos, kaya dedmahan talaga.

Ang dinig ko kasi, magkakaroon sila ng show na pagsasamahan nilang dalawa. Kung matutuloy ‘yun, dapat na mapag-ayos na nga sila.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis