Alden Richards at Jasmine Curtis Smith, magpapakilig na sa ‘The World Between Us’

YES! Sa wakas ay nakatakda na ang pagbabalik-Primetime ng Pambansang Bae na si Alden Richards via ‘The World Between Us’. This time ay si Jasmine Curtis-Smith naman ang kanyang makakapares sa mala-‘you and me against the world’ type of series na ito.

Alden Richards at Jasmine Curtis Smith, magpapakilig na sa ‘The World Between Us’
Jasmine Curtis-Smith and Alden Richards Kiss in ‘The World Between Us’

Unang nagkasama sina Alden at Jasmine sa pelikulang ‘Imagine Me and You’. Si Maine Mendoza ang kapares main love interest ni Alden dito, pero nakitaan na rin na may potential kung sakaling mabigyan ng pagkakataon na magsama sa isang proyekto sina Alden at Jasmine.

Napatunayan na may ‘something’ ang tambalang ito sa unang sabak ng ‘I Can See You’, ang primetime drama anthology na pinalabas ng GMA noong nakaraang taon. Sa first week nito ay nagbida ang dalawa sa ‘Love in the Balcony’. May mga nakapansin na complementing ang dalawang artista pagdating sa drama. Kahit na hindi nila paasahin ang kanilang fans ay magwowork ang tambalang ito (Jasmine is in a relationship with a young politician from La Union).

Kasama rin nila si Tom Rodriguez sa serye na gaganap bilang nakakatandang kapatid ni Jasmine na mainit ang ulo kay Alden.

Kung hindi magkakaroon ng aberya, mapapanood na ang AlJas or JasDen series na ito simula July 5. Urong-sulong kasi ngayon ang GMA sa kanilang pilot airing, eh!

Previous articleVLOG WATCH: Arci Munoz’ BTS-inspired Car and Van Tour (BT21 Overload!)
Next articleKPOP Album Review: Taste of Love by TWICE