Alden Richards, Asian Star Prize awardee sa Seoul International Drama Awards

ADVERTISING

Alden Richards, Asian Star Prize awardee sa Seoul International Drama Awards

Alden Richards, Asian Star Prize awardee sa Seoul International Drama Awards
Alden Richards

UNSTOPPABLE at tuluy-tuloy ang magagandang nangyayari sa career ng Kapuso actor na si Alden Richards. Pagkatapos niyang magbida sa Hello, Love, Goodbye with Kathryn Bernardo ay binigyan naman siya ng recognition sa Korea.

ADVERTISING

Tumanggap si Alden ng Asian Star Prize Award sa Seoul International Drama Awards 2019 na ginanap sa Seoul, South Korea nitong August 28. Hindi niya pinalampas ang naturang pagkakataon para personal na tanggapin ang karangalan.

Ang pelikulang Hello, Love, Goodbye ay malapit na rin sa P1 billion mark at kapag nagkataon, ito na ang ituturing na highest-grossing film of all time. Isa itong napagandang record para kay Alden firs time makipag-team-up sa isang Kapamilya actress.

Pagbalik ng Pilipinas ay balik-taping din si Alden ng bago niyang primetime teleserye sa GMA-7 titled The Gift.

ADVERTISING

Sa kabila ng magagandang nangyayari sa career ng aktor ay wala kaming nababalitaang negatibo with regards to his attitude. Nananatili pa rin itong humble at down to earth.

 

 
 
 

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING