Alden at Yaya Dub o #AlDub: Pambato ng Siyete sa Kiligan!

ADVERTISING

Alden at Yaya Dub o #AlDub: Pambato ng Siyete sa Kiligan!

Alden-Richards Yaya-DubNAAALALA N’YO ba kung paano tayo pinakilig nina Richard Gutierrez at Angel Locsin o ChardGel sa Mulawin at iba pang box-office movies ng GMA Films? What about the phenomenal Starstruck loveteam nina Mark Herras at Jennylyn Mercado o MarkJen na tunay na nakaka-lovestruck? S’yempre, hindi p’wedeng kalimutan ang pag-develop ng love story nina Dingdong Dantes at Marian Rivera o DongYan na audition pa lang ng Marimar ay talagang pinakilig at pinasaya ang mga Kapuso.
You see, matagal-tagal nang nag-a-attempt ang GMA-7 na mag-produce ng kilig-worthy loveteam para ipanlaban sa mga nangunguna sa ABS-CBN. Sad to say, karamihan sa pinipilit na ipasikat ngayon ng Kapuso Network ay walang spark. Hindi rin ang mga loveteams na pinipilit nila ang tipong gagastusan ng buying public ng datung, ‘noh!
Just last week, muli na namang naghain ng ‘pacham’ o pachambang tambalan ang Eat Bulaga. Alden Richards is now one of the mainstays of the longest-running network. Matagal-tagal nang absent ang guwapong binata sa GMA Telebabad, pero mukhang makababalik na ito dahil nakahanap na siya ng tunay na ka-partner na kinababaliwan ngayon ng Dabarkads.
Maine Mendoza a.k.a. YayaDub is the newest recruit of the Dabarkads na laging kasama nina Wally, Paolo, at Jose sa Juan For All segment. Dahil lang sa isang pagkakataon na biglang na-conscious si Yaya Dub sa kanyang Dubsmash habang nakatutok ang studio camera kay Alden Richards ay biglang nag-trending sa lahat ng social media sites ang dalawa! One week pa lang sinusundan ng mga manonood ang tambalang ito, pero iba ang impact nila sa masa. As in! Ang mga nakami-miss ng live shows ay nagtitiyaga sa mga videos na inu-upload ng official Eat Bulaga Facebook page just to make the fans happy.
May tsika kaming nasagap na never pa pala talagang nag-meet in person sina Alden at Yaya Dub kaya inaabangan na ng fans ang kanilang pagkikita. May #AlDub, #AlMain #BaeDub na mga hashtags. Kaloka!
Ang biglaang pagbuo sa #ALDUB reminds us of John Lloyd and Bea. Hindi ba’t wala rin sa plano ng programang una nilang pinagsinamahan na sila ang magiging magka-loveteam? More than ten years have passed and they were never romantically linked in real life, but the fans love them truly because of their undeniable onscreen chemistry!
Literal na ‘onscreen’ loveteam as of now ang AlDub dahil sa screen pa lang sila nagkikita! We are hoping na GMA-7 will give this loveteam a break lalo na’t obvious na DongYan pa ang huli nilang loveteam na pinasikat na hindi pilit at talagang may fanbase (hindi pilit!).
Kapuso Network, this is your chance to make it to the top of the kilig ratings – again! Push n’yo na ‘to!

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

ADVERTISING