Alcoholic na female singer, nanghahabol nang halik sa kahit na sinong mapagtripan!

KALAT NA kalat na sa showbiz ang pagiging alcoholic ng isang female singer.

At ang nakakaloka pa, may hindi magandang ginagawa ang hitad kapag lango na sa alak. Nanghahabol siya ng halik sa kahit na sinong mapagtripan niya, ke gay, straight, girl o boy.

At kapag umiiwas daw ang kanyang type ay talagang hinahabol niya ito hanggang mahalikan.

At kapag may performance naman ito ay sobrang pasaway. Gusto niya, lagi siyang inuuna sa line-up of performers dahil may raket pa raw siyang pupuntahan kahit wala naman.

(By Alex Brosas )

Previous articleDirektor, hinahabol ng kaso mula sa pinanggalingan Network!
Next articleSiyete at Singko, nag-aaway dahil kay Iwa Moto!

No posts to display