Albie, Joseph at Kean patalbugan sa ‘Triptiko’

Triptiko actor Albie Casino, Joseph Marco and Kean Cipriano

KAKAIBA at natatangi ang unang sabak sa big screen ng director na si Mico Michelena sa pelikulang Triptiko na isa sa entries ng Pista ng Pelikulang Pilipino simula ngayong Agosto 16.  Tatlong medyo weird na kuwento ang hatid nito sa manonood na pinagbibidahan nina Albie Casino, Joseph Marco, Kean Cipriano at Kylie Padilla.

Natagalan man ang paggawa at pagpapalabas nito, nagsilbi namang hulog ng langit ang pagpili ng PPP sa pelikula na binigyan pa ng Grade A rating ng Cinema Evaluation Board.

“Everything fell in its proper place. Sinuwerte kami sa PPP, binigyan ng Grade A and Star Cinema will distribute the film. Saka na-inspire din ako sa pagiging blockbuster ng movie na Kita Kita kaya naman I hope the moviegoers will patronize the film,” pahayag ni direk Mico .

Natutuwa rin ang baguhang director na naitawid ng mga bida niya ang kanya-kanya nilang kuwento. Bida si Albie sa episode na “Suwerte” pero minalas nang makasaksi siya ng isang krimen.

 “Very physical at emotional ang role ko. Walang masyadong dialogue pero nakaka-drain din ang mga eksena. Isang malaking challenge sa akin ‘yon na nagpapakita ng iba’t ibang emosyon sa mga scene,” saad ni Albie.

Modelo naman si Joseph sa kuwento ng “Hinog.”  Dati siyang modelo bago inagaw ng showbiz kaya effortless sa kanya ang role.

“Eh, tinubuan ako ng boil sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Mahirap ‘yung eksenag ini-extract sa katawan ko ‘yung mga pigsa. Siyempre, hubad ako sa scenes! Ha! Ha! Ha! But the film is very exciting,” sey naman ni Joseph.

Bida sina Kean art Kylie sa istorya na “Musikerong John.”  Nagamit ni Kean ang pagiging musikero niya pero madamdamin din ang mga eksena nila ni Kylie dahil lumabas ang iba’t ibang hugot ni Kean sa madamdaming kuwento.

Kanya-kanya man sila ng kuwentong pinagbibidahan, nagkakaisa naman ang mga unang nakapanood ng Triptiko na swak na swak sina Albie, Joseph, Kean at Kylie at patalbugan silang talaga sa pagpapakita ng husay, huh!

La Boka
by Leo Bukas

Previous articleENJOY AND HAPPY: Concert ni Vice Ganda sa Korea, successful!
Next articleKris Aquino, inaalagaan si Pokwang

No posts to display