Albie Casiño, walang lukso ng dugo sa “anak” kay Andi Eigenmann

Albie Casiño, walang lukso ng dugo sa “anak” kay Andi Eigenmann

Andi-Eigenmann-Albie-CasinoKUNG SA ‘yo ang bata, may lukso ng dugo kahit hindi mo pa ipa-DNA Test ang sangol. Kaya nga ang baguhan na si Albie Casiño, hindi na itinuloy ang pagpapa-DNA sa sinasabing “anak” daw nila ni Andi Eigenman.

Noon pa sa simula, si Albie at Jake Ejercito ang pinagdududahan na ama ng bata. Pero tulad ng sabi ng binata sa kanyang mga interviews, nagtataka siya kung bakit siya ang itinuturo na ama ng bata.

Sa kasalukuyan, kabe-break lang ni Andi sa short-lived boyfriend niya na si Bret Jackson na masamang-masama ang loob sa aktres at hayun, nakipagbalikan muli sa dating boyfriend na si Jake na wala man lang silang formal break-up.

Sa katunayan, sa social media account ni Bret, kung ikaw ang babae na pinatutungkulan niya na “Liar”, pangit nga at parang ang respeto sa iyo ng lalaki ay kusa na lang nawala dahil sa kagagawan mo rin.

Back to Albie, sa takbo ng kuwento ng sexy hunk, wala siya nararamdamang “lukso ng dugo” sa bata para maramdaman niya na baka siya nga ang ama. Pero with Andi’s style na urong-sulong, bibitaw at makikipagbalikan, malamang sa hindi sa kanyang kaliduhan, hindi na niya ma-identify kung sino ang ka-dyug niya sa panahong fertile siya. Pero ang consensus ng karamihan, si Jake ang ama ng bata.

Sabi nga ng binata sa kanyang panayam, “Everything will come… like, you can’t hide everything naman, ‘di ba? If you have a secret, you can’t keep it hidden forever. The truth will always come out, ‘di ba?”

‘Yun na!

Reyted K
By RK VillaCorta