Albie Casiño & Nadine Lustre: Randomantic Chances

ADVERTISING

Albie-Casino-Nadine-LustreALBIE CASIÑO
Real Name: Alan Benedict Lee Casino
Birth Date: May 14, 1993
Zodiac Sign: Taurus
Symbol: The Bull
Ruling Planet: Venus
Basic Trait: I Have
Lucky Day: Friday

NADINE LUSTRE
Real Name: Nadine Alexis Paguia Lustre
Birth Date: October 31, 1993
Zodiac Sign: Scorpio
Symbol: The Scorpion
Ruling Planet: Pluto
Basic Trait: I Desire
Lucky Day: Tuesday

SA WAKAS, napanonood na gabi-gabi sa ABS-CBN Primetime Bida ang highly anticipated show na On The Wings of Love. Topbilled by 2014’s Breakout Stars na sina James Reid at Nadine Lustre, napakataas ng expectations ng mga fans (and haters) sa proyektong ito. The long wait is worth it dahil so far so good ay napakaganda ng daloy ng kuwento nito. Palung-palo rin sa ratings, huh!

Isa sa biggest surprise ng OTWOL ay ang pagkakasali ni Albie Casiño bilang ka-love triangle at aroganteng si Jigs. Ang pagkakaalam namin ay ibang aktor ang first choice sa role na ito, pero bagay na bagay rin ito bilang comeback ng binata sa ABS-CBN after what happened sa kanyang controversial personal life.

We all know na si Albie ang unang naka-loveteam ni Kathryn Bernardo sa Mara Clara. Actually, dapat pa ngang magpasalamat si Daniel Padilla, dahil kung hindi nag-lie low si Albie, hindi siya maiisipan ng Dos na ipares kay Kathryn! That’s a fact.

ADVERTISING

Second chance sa biz. Hindi pa umaamin sina James at Nadine kung sila nga ba in real-life, pero kung sakali kaya ay may chance si Papa Albie? Alamin natin!

Malakas ang attraction sa pagitan ng Taurus at Scorpio. Sa katunayan nga, ito ang isa sa pinakaintelihenteng pagsasama sa zodiac. Parehong may pagka-possessive ang dalawa, pero mas madaling magselos ang Scorpio. Mas demanding pagdating sa emotional attachment at intimacy ang Scorpio, na maaari nilang pag-awayan ng Taurus.

Isa rin sa negative traits na similar sa kanila ay ang pagiging mainitin ang ulo. Hirap ang dalawa na i-express ang kanilang nararamdaman kaya ang kadalasan na ending ay pagsabog. Boom! Kailangan nilang matutunang mag-open up sa isa’t isa. Open communication and understanding ang kailangan ng dalawa para maiwasan ang mga problema. Ayaw rin nilang sinasakal sila kaya nararapat lang na may ‘space’ sila kahit paano.

Para tumalab at tumagal ang pagsasamang ito, kailangang magsanib-puwersa ang dalawa para gumana ang kanilang tambalan. Dahil karamihan sa kanilang common traits ay ang ‘negative’, hindi pa rin maa-assure ng mga bituin na happily ever after ang ending nito. Minsan nga, kahit ang simpleng paglalandi sa iba ay puwede na nilang pag-awayan. Ma-overcome lang nila ito, puwedeng-puwede na!

Well, mukhang puwedeng-puwede nga in real-life ang mag-Lalabs na itey! Albie and Nadine? AlDine or NaBie? Pak din ‘yan!

Pares-Pares

By Madam DaminAlbie Casiño & Nadine Lustre: Randomantic Chances

ADVERTISING