Albie Casiño is bitchy in social networking site

ADVERTISING

 

Albie Casiño is bitchy in social networking site

Albie Casiño is bitchy in social networking siteHINDI SIGURO ALAM nina Andi Eigenmann at Albie Casiño ang epekto ng pag-aaway nila sa mga social networking sites, ‘no?

Hindi rin namin maintindihan kumbakit kailangan nilang mag-away online, samantalang dapat sana’y sa kanila na lang kesa nalalaman ng mga tao ang “pagpagan nila ng dumi” sa publiko.

Si Andi ay nagpapaliwanag at nagpapaunawa sa kanyang Twitter account. Si Albie naman ay ayaw ring pakabog. Kahit babae ‘yung kaaway niya, wa siya care.

ADVERTISING

“Tinitira” rin ng kilalang ‘Christian Torralba’ ng Mara Clara ang nakaaway at naka-isplitang girlfriend for 2 years sa kanyang Formspring account.

Yes, totoong si Albie ang may-ari ng link na ‘to  http://www.formspring.me/albiewhoshedid kung saan ang bawat tanong ng mga followers niya ay sinasagot niya isa-isa.

Dito ay lumalabas ang pagiging totoo ni Albie. Taliwas sa kanyang mabait na karakter sa Mara Clara. Dahil ang sabi nga niya, “I won’t let anybody walks over me.”

Ilan sa sampol ng Question-and-Answer portion kay Albie:

Puwede bang maging magkaibigan na lang sila ni Andi?

“Maybe when hell freezes over, hahaha! I don’t need her in my life anymore!”

May nagtanong: ‘Yung twitter ni Andi, puro ikaw ang topic.

“’Yung fs (formspring) ko, puro naman siya!”

Pa’no daw kung magkita sila ni Andi accidentally?

“Nothing. Well if she provokes me, ho-nestly, I might mouth off a bit!”

May nagsabi pa, “I don’t think Andi would lie about you hitting her or about anything else for that matter. And what kind of a person would say that his ex is a cheater when it’s not even true? Man up, dude!”

Sagot ni Albie, “How about you? Man up and leave a name. Listen, punk, you don’t know shit about me, okay?

“You wanna make me man up? Come to Katipunan anytime, boy, i’ll whip your ass. Don’t talk about me like you know me, yo!”

Nandu’n na kami, honest lang si Albie sa kanyang feelings kahit sino pa ang itanong sa kanya. Pero siyempre, alam n’yo naman ang kultura ng mga Pinoy.

‘Pag nakipag-away ka sa babae, sasabihin, ungentleman ka, o kaya bakla ka. Pero ‘yun nga, walang pakialam si Albie.  Nagpapakatotoo daw kasi siya.

 

PERO ALAM N’YO naman sa showbiz, hindi lahat ng nagpapakatotoo, naiintindihan o tinatanggap, kaya dapat, aware si Albie diyan.

Isang patotoo ng pagpapakatotoo si Rosanna Roces na ano na ba’ng nangyari sa buhay?

Actually, ‘yung pagyoyosi at pag-inom ng alak ni Albie ay inamin din niya. Meron pa ngang picture na ipinasa sa amin kung saan pareho niyang hawak ang yosi at alak.

Sa ibang kabataan, normal ito. Pero ‘pag nag-aartista ka, dapat, mag-adjust ka. Bagets ka. Ang daming umiidolo sa ‘yo.  Nag-iipon ka ng fans. Siyempre, mas bongga kung gagawin ka rin nilang role model, ‘di ba?

Feeling namin, malayo pa ang mararating ni Albie sa showbiz kung aalagaan niya ang kanyang image at hindi titigas ang ulo niya.

 

AND SPEAKING OF yosi, hindi man namin nakikita, pero madalas din naming mabalitaang kahit 16 or 17 years old pa lang itong first Grand Champion ng “Pilipinas Got Talent” na si Jovit Baldivino ay malakas na ring magyosi.

Kilala pa nga namin ‘yung isang cameraman na hini-ngan niya ng yosi. Tulad nito. Ano ba ang pangunahing ta-lent nitong si Jovit?

Aminin na natin na sa face, ‘yun lang “awa factor” ang dating, meron siya, hindi ang gandang lalaki, ‘ika nga.

Ang talent niya, boses. Tapos, nagyoyosi?

Kung mahal niya ang puhunan niyang boses at kung mahal niya ang kanyang pamilya, ihihinto niya ‘yan, dahil baka wala pa siyang 20 years old, sunog na ang baga niya o sira na ang lalamunan niya.

Eh, aminin naman natin. ‘Pag nagla-live kung minsan itong si Jovit, sumasablay rin. Okay lang kung hindi mataas ang expectation ng mga tao sa kanya, eh.

Kaso, grand champion ka. Ang inaasahan sa ‘yo ng mga tao, i-maintain at i-sustain mo ang maganda mong tinig.

Hihintayin pa ba ni Jovit na “mawaley” siya sa au-dience?

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING