Albie Casiño’s mother denies son left the country

Albie Casiño’s mother denies son left the country

Albie Casiño’s mother denies son left the countryMAY NARINIG KAMING balita na ilang araw na raw nasa Amerika si Albie Casiño hanggang ngayon. Marahil para makaiwas muna sa issue ng pagdadalang-tao ng kanyang ex-girlfriend na si Andi Eigenmann na hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa lahat kung sino talaga ang tunay na ama.

Nag-text kami kay Mommy Rina, ina ni Albie, nu’ng isang gabi upang kumpirmahin ang balita. “Hi Francis not true he (Albie) is here nagtaping lang sya for MMK thanks,” reply sa amin ng ina ng kontrobersiyal na young actor.

Makakasama raw ni  Albie  si  Erich Gonzales sa Maalaala Mo Kaya (MMK) episode na ipalalabas bukas, Sabado, nang gabi sa ABS-CBN.

Sa kabila ng mga issue at pagkaka-pullout diumano kay Albie sa isang youth-oriented show at pelikula ng Star Cinema, kung saan ipinalit sa kanya si Enrique Gil, masaya pa rin si Mommy Rina, dahil may proyekto pa rin namang ibinibigay ang ABS-CBN sa kanyang anak, gaya ng MMK, kaya malaki rin ang pasasalamat nito sa Kapamilya Network at kay Tita Malou Santos na may hawak ng nasabing programa.

Sa mga panahong ito sa buhay ni Albie at ng kanyang buong pamilya, ipinaalam ni Mommy Rina sa amin thru text pa rin kung kanino sila humuhugot ng lakas. “We’ve been drawing our strength fr the Lord for we cling on to His promise that He will never leave us nor forsake us, goodnight God bless.”

On a lighter note, kung si Robin Padilla ay natutulog ng hubo’t hubad katabi ang kanyang asawang si Mariel Rodriguez, inamin din sa amin nang huli naming maka-tsikahan ang guwapong si Albie na naka-boxer shorts lang daw s’ya kung matulog.

Shirtless at wala raw briefs sa loob ng kanyang boxer shorts ang binata, dahil hindi raw s’ya kumportable kapag may suot s’yang underwear.

 

IS IT TRUE na may panibagong napakalaking offer diumano ang pamunuan ng TV5 kay Deo Endrinal ng ABS-CBN para mag-ober da bakod?

Kung    gusto     umanong isama ni Deo ang kanyang buong team mula sa Kapamilya Network kung sakaling kakagatin nito ang alok sa kanyang lumipat sa Kapatid Network, wala raw problema sa ma-nagement Singko.

 

NALOLOKA ANG MGA nagtitinda sa tiangge sa gilid ng hallway ng ABS-CBN kapag nakikita nilang dumadaan si Enchong Dee.

Gusto raw sana nilang magpa-picture sa young actor, kaya lang ay lagi umano itong tumatakbo at tila nagmamadali at may hinahabol kapag nakikita nilang dumadaan sa harap ng kanilang stalls, hindi gaya ng ibang mga artista na willing daw magpalitrato sa kanila.

 

MUKHANG TULUYAN NA ngang nakapag-move on si Joem Bascon sa paghihiwalay nila ni Meryll Soriano na may katagalan na rin, dahil nakita naming kasama ng aktor ang bago n’yang girlfriend sa premiere night ng pelikulang The Adventures of Pureza nu’ng Martes ng gabi.

Medyo mataba nga lang sa screen at sa personal si Joem ngayon. Mabuti na lang, guwapo pa rin s’ya at magaling umarte.

 

MAGKAKAROON NA PALA ng inspirational album under Star Records ang 18-year-old na si Fatima Soriano na isang bulag ngunit may napakagandang boses.

Isa si Father Jerry Orbos sa mga tumutulong para sa mga pangangai-langan ni Fatima sa kanyang kalagayan.

 

SHOWING NA ANG indie film na Bahay Bata sa Cinemalaya International Film Festival 2011 sa Sabado sa CCP. Bida rito si Diana Zubiri.

 

Makinig ng Wow! Ang Showbiz! with Ms. F as in Fernan de Guzman, Mimi, and yours truly over at DWIZ 882 KHZ on AM band, Monday-Friday, 11 AM-12 NN or log on to www.DWIZ882.com. Follow me on Twitter, too, @francissimeon.

 
Franz 2 U
by Francis Simeon