Albie, aminadong nasira ang career dahil kay Andi

ADVERTISING

Albie, aminadong nasira ang career dahil kay Andi

Tama lang ang reaksyon ni Albie Casiño sa presscon ng bago niyang pelikula na “Pwera Usog” ng Regal Films tungkol kay Andi Eigenmann. Kung hindi nga naman siya itinuro noong una na siya ang ama ng anak nito kay Jake Ejercito (kalokang girl at talagang pinagsabay niya ang dalawang lalaki na siya mismo ay nalito), ‘di sana ay ratsada na ang career ng binata noon pa man at hindi nabalam.

Albie, aminadong nasira ang career dahil kay Andi
Albie Casiño

Aminin man o hindi ni Andi, ginulo niya ang buhay ng binata na nananahimik na gumagawa ng sariling pangalan sa showbiz na para sa akin, personally ay hindi fair kay Albie. Hindi ko lang naitanong sa binata noong presscon kung nag-sorry si Andi sa kanya nang magkita sila accidentally.

“Kahit naman anong gawin niya (Andi), hindi na niya maibabalik ‘yung nangyari,” himutok nga ni Albie na isa sa mga super promising young male actor ng kanyang panahon.

Pero nag-move on na ang binata. Wala na siyang sama ng loob sa babaeng ginulo ang buhay niya.

ADVERTISING

Minsan nagkita sila. Civil lang siya. Wala na rin siyang sama ng loob sa aktres. Aminado ang binata na malaki ang naging epekto sa kanyang career ng pagkadawit ng kanyang pagkatao sa pagkakamali na gawa ng iba.

Pero mabait si Albie. “Matagal na akong walang galit. Kasi anong gagawin ko, magagalit lang ako?” Sabi nga niya sa group tsikahan with some press people.

Sa ngayon, happy si Albie sa kanyang lovelife. Isang non-showbiz girl ang karelasyon niya na nagiging inspirasyon niya ngayon. Pagbibida niya, nang magkakilala sila ng girl, hindi raw nito alam na artista siya

“Ito ‘yong gusto ko,” sabi pa ni Albie.

Basta ang wish ni Albie, ma-maintain ang privacy ng kanyang personal life (love life) at rumatsada pa nang husto ang kanyang career.

Sa bagong horro rfilm ng magaling na si Jason Paul Laxamana, si Charise Castro ang kapareha ni Albie. Kasama nila sa kakaibang pelikulang katatakutan ang dalawa pang pares nina Joseph Marco at Sofia Andres, at Kiko Estrada at Devon Seron. Showing na ang pelikula sa March 8 nationwide.

ADVERTISING