Albert Martinez, umaasang makababalik si JM De Guzman sa kanilang serye

ADVERTISING

Albert Martinez, umaasang makababalik si JM De Guzman sa kanilang serye

Albert-Martinez-JM-de-GuzmanNagbigay ng reaksyon si Albert Martinez sa intimate lunch na ipinatawag niya sa ilang kaibigang press tungkol sa pagkawala ni JM de Guzman sa All Of Me.

“I really felt so bad. Number one, he’s young. Number 2, hindi lahat ng tao nabibigyan ng ganoon klaseng opportunity. Number three, he’s very talented.

“Nakita ko ang sarili ko sa kanya, eh. Kung gaano siya mag-focus sa trabaho, magpursige, kung paano niya mahalin. Tapos, dumating sa ganoong sitwasyon. Parang nadurog din ang puso ko sa nangyari sa  kanya.

“And I’m still hoping na… kung sabihin nila sa akin na babalik na siya, I will give it back to him because deserving siya, eh.

ADVERTISING

“I mean, wala akong maisip na ibang taong gagawa no’n except him. Ibig sabihin, ganu’n niya kagaling hinandle ‘yung character,” kuwento niya sa amin.

Wala raw silang communication ni JM De Guzman at sa taping lang sila nagkakausap noon.

“I’m hoping na maka-recover siya kung anuman ‘yung pinagdaraanan niya,” sambit pa niya.

Bukod sa All Of Me, napapanood din si Albert Martinez sa Ang Probinsyano kasama si Coco Martin.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING