Albert Martinez, tikom ang bibig sa pagwawala ni Amalia Fuentes

Albert Martinez, tikom ang bibig sa pagwawala ni Amalia Fuentes

Albert-MartinezTIKOM PA rin ang bibig ni Albert Martinez sa mga pinagsasabi ni Amalia Fuentes.

Ang sumasagot ay ang anak nitong si Alyanna Martinez na idinadaan lang sa kanyang Instagram account.

Obvious namang ang lola niyang si Amalia ang tinutukoy na hindi naman daw nito alam ang buong katotohanan.

May kuwento pa rin kasi sa likod niyan, kaya ganu’n na lang ang nararamdaman ng mga bata sa lola nila.

Hintayin na lang natin na magsalita si Albert.

Nahirapan lang daw siyang magsalita sa ngayon dahil hindi pa talaga siya handa. Baka iiyak lang daw siya nang iiyak.

Obvious na malungkot naman talaga siya.

Nagpu-post na lang nga siya sa Instagram na sobrang nami-miss daw niya ang asawa niya.

Ang dinig ko lang, mas close ang mga anak nina Albert at Liezl sa lolo nilang si Romeo Vasquez.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis