Albert Martinez, naungusan na sina William Martinez at Gabby Concepcion

ADVERTISING

Albert Martinez, naungusan na sina William Martinez at Gabby Concepcion

Albert-MartinezNAGTAGAL TALAGA ang buhay ng showbiz career ni Albert Martinez dahil ang pangalan niya ay ‘sing kahulugan ng salitang propesyunalismo. Nu’ng bagets pa lang siya na hirap na hirap iangat ang pangalan mula sa kasikatan nina Gabby Concepcion at William Martinez, napapansin na ang kanyang kaseryosohan sa trabaho. Kaya nga, hindi nakapagtataka na nitong umangat na ang kanyang pangalan ay wala na siyang pahinga sa paglabas sa mga teleserye.

Napakaganda ng relasyon ni Albert sa ABS-CBN, dahil hindi siya nawawalan ng proyekto. Kasama siya ngayon sa bagong teleseryeng ipinagmamalaki ng DreamScape Entertainment Television, ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon. Diretso lang din lagi si Albert sa kanyang mga pahayag, pero hindi mo mararamdaman ang angas niya kapag pinupuri siya, na naungusan na niya sina Gabby at William, na noon ay mas sikat kesa sa kanya.

“Ako kasi, ang maipagmamalaki ko lang, mahal na mahal ko ang aking trabaho. Pero sina Gabby at William, napakasisipag din nila. Nariyan pa rin naman si Gabby, at ang brother ko, nariyan pa rin. Halos magkakasabay kami noon sa Regal Films, panahon ng Regal Babies, at doon naman nagsimula ang aming mga kasipagan,” wika ni Albert.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING