UY! Albert Martinez bet jowain ni Faith Da Silva ng Las Hermanas

NALALAPIT NA ang paglabas ng upcoming afternoon drama series ng GMA-7 na ‘Las Hermanas‘. Ito ay pinagbibidahan ng three homegrown Kapuso talents na sina Yasmien Kurdi, Thea Tolentino at Faith Da Silva.

Hindi naman na bago sa mga manonood si Yasmien Kurdi, na unang nakilala ng mga viewers sa Starstruck at isa sa mga paboritong drama series lead ng Kapuso Network. Si Thea Tolentino naman ay nalinya sa kontrabida roles dahil sa kanyang galing na madalas ay nilalamon ang mga artistang ‘inaapi’ niya. Si Faith Da Silva ang pinakabago sa grupo at maituturing na ang Las Hermanas ang kanyang biggest break so far.

UY! Albert Martinez bet jowain ni Faith Da Silva ng Las Hermanas
Faith Da Silva, Yasmien Kurdi and Thea Tolentino talk about Albert Martinez

Base sa mga vlogs at social media updates ng tatlong aktres ay tila naging real sisters ang kanilang turingan sa lock-in taping nila sa Clark, Pampanga na nagtapos last month. Maliban sa refreshing na pagsasama-sama nila ay pinag-uusapan din ngayon ang veteran actor na kasama sa cast. Ito ay walang iba kundi ang nagbabalik-Kapuso na si Mr. Albert Martinez.

Now on his 60’s, hindi pa rin kumukupas ang kamandag ng aktor. Kaya niya pa rin lampasuhin ang mga mas batang leading men!

Kaya naman sa Jojowain o Totropahin Challenge ni Yasmien Kurdi featuring her Las Hermanas sisters ay tinanong niya rin sila kung bet ba nilang tropahin o jowain si Albert Martinez.

“Totropahin” sagot agad ni Thea Tolentino.

“Jojowain” naman ang sagot ni Faith Da Silva, na makakapareha ni Albert Martinez sa programa. Halatang pigil ang kilig nina Yasmien at Thea habang sumasagot ang kanilang bunso.

“Kasi okay siyang kausap for me.” simple pero meaningful na sagot ng dalaga.

“Actually, ma-tsika siya,” singit ni Thea para siguro hindi maging uncomfy si Faith na nag-agree naman ang lahat.

“I mean, for his age, sobrang well-maintained tsaka pogi.” habol ni Yasmien.

‘Tropa’ lang daw ni Thea si Albert dahil ito ang crush ng kanyang nanay, habang gusto naman ma-experience ni Yasmien na makasakay sa mga 4×4 ng veteran actor.

Sigurado na sina Albert at Faith ang gigisahin ng media kapag mag-uumpisa na ang promotions para sa inaabangang teleserye. Nakita na rin namin ang character teaser trailers nina Albert at Faith and in fairness, nakakapaso! Kahit na 40 years ang kanilang agwat ay kitang-kita na may chemistry sila… not just as friends, ha!