Albay Gov. Joey Salceda, nagpuputak sa pagkaka-evict ng Bicolanang si Barbie Imperial sa PBB

Albay Gov. Joey Salceda, nagpuputak sa pagkaka-evict ng Bicolanang si Barbie Imperial sa PBB

Baribie-Imperial-Joey-SalcedaBINATIKOS SI Albay Governor Joey Salceda dahil kuda ito nang kuda nang ma-evict ang housemate na si Barbie sa Pinoy Big Brother.

“‘Yung lahat ng TV sa bahay pina-off ko muna. I just don’t relish rituals of faked sympathies. So much plastic in that program. Barbie deserves to be treated better. Their loss, our gain. Banned muna ang ‘PBB’ till the other Albayano is to be defended,” post ni Joey.

Todo-react naman ang netizens.

“Wow! Nung di pa napapalayas parang proud ka pa na nandin sya sa show. Ngayon lahat ng masama tungkol.sa show sinasabi mo. Round of applause!” one guy said.

“Napaka hambog naman pala nitong public servant na to. Hindi lang ho taga bicol ang may puedeng manalo. Hindi porket ineenderso ng pulitiko may dating na sa masa. It’s anybody’s ballgame. Kung tingin nyo plastik ang ilan, it takes one to know one. Sana matanggap nyo ng maluwag sa dibdib ang mga pangyayari. Ganyan talaga, na in your face ka kasi unang una natanggal manok mo,” said another guy.

“Kasalanan mo yan gov. Nileak mo kasi nung una na papasok sya sa bahay ni kuya. Wala pang formal announcement from pbb. Inunahan mo sila. Kaya ayun unang natanggal ang manok mo. Yan ang punishment. Useless ang pagboto nyo,” say naman ng isa pa.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas