Albay Gov. Joey Salceda, lumalabas na ginagamit si Xian Lim para mapag-usapan

Albay Gov. Joey Salceda, lumalabas na ginagamit si Xian Lim para mapag-usapan

Joey-SalcedaNAKU! TAPUSIN na ‘yang isyu nina Xian Lim at Gov. Joey Salceda!

Ang lumalabas tuloy, ginagamit lang ni Gov. Joey si Xian para mapag-usapan. Diyos ko, ‘day! Kailangan pa ba ng Albay governor ‘yan?

Nu’ng nakausap ko siya last week, sinabi ni Gov. Salceda na nasaktan talaga siya para sa mga staff niya.

Hawiin ba naman ang kamay ng chief of staff niya dahil ayaw tanggapin ang souvenir items na regalo nila sa aktor, siyempre napahiya naman ‘yun dahil sa harap mismo ng ibang staff.

Nainsulto pa rito ang tourism staff niya, kaya nga sabi ni Gov. Salceda, kung talagang sincere ang paghingi ni Xian ng apology at kung gusto niyang bumalik uli ng Albay, dapat gawin muna niya ang mga challenges na ibibigay nila para maramdaman din talaga ni Xian ang pagiging Bicolano.

Sabi naman niya, ang tatay niya taga-Goa, Camarines Sur pati ang lola niya, kaya dapat makita niya nang husto ang buong Bicol, at isa na nga rito ang Albay.

Pero siyempre, pinanindigan pa rin ni Xian ang statement niya na hindi raw siya nagsabi ng “I am not here to promote Albay”, kaya hinayaan na lang ‘yun ni Gov. Salceda.

Siyempre du’n sa interview sa kanya sa The Buzz, pabait-bait ang drama at sinasabi niyang talagang wala siyang sinabing ganu’n at hindi raw totoo ‘yung ibinibintang sa kanya.

Kaya move on na no! Sa dami ng artista natin, marami pang puwedeng imbitahin ang Albay. Kaya tigilan na ‘yang Xian na ‘yan!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis