Alam na ‘di siya basta-basta p’wedeng mag-quit
Kris Aquino, drama lang ang pag-resign sa showbiz?!

ADVERTISING

<i>Alam na ‘di siya basta-basta p’wedeng mag-quit</i><br>Kris Aquino, drama lang ang pag-resign sa showbiz?!<i>Alam na ‘di siya basta-basta p’wedeng mag-quit</i><br>Kris Aquino, drama lang ang pag-resign sa showbiz?!KADALASAN, KAPAG Holy Week, patay na ang showbiz. What we mean, walang istoryang maisusulat dahil karamihan sa mga artista nasa bakasyon na.

Wala na ring mga taping or shooting at naka-break na sila for a long much needed vacation.

Pero bago magbakasyon ang showbiz, humabol ang iskandalo na kinasasangkutan nina Kris Aquino at dating mister na si James Yap.

Inayunan ang TPO (Temporary Protection Order) na hiniling ni Kris sa korte laban sa dating mister na si James habang ang hold departure order na nai-file ng da-ting mister noong nakaraang Biyernes ay hindi inayunan ng korte.

In short, tuloy ang bakasyon grande ni Kris kasama ang dalawang anak na sina Josh ay Bimby sa Europe.

ADVERTISING

Umalis last Saturday ang mag-ina para magbakasyon sa Paris, France.

Pero dahil sa kaguluhan at kagustuhan ng Queen of All Media na mailayo ang anak na si Bimby sa iskandalo at trauma, nagbitaw na si Kris ng salita that she is quitting showbiz.

Iiwanan niya ang tatlong shows niya sa Kapamilya Network for the love of her son Bimby at sa katahimikan ng buhay nila.

Pero ang lahat ng drama, ang binitawang salita na mapapako na naman na magbibitaw na siya sa showbiz at mamuhay bilang isang ordinaryong mamamayan ay hindi na naman matutuloy.

Ang Kapamilya Network, naglabas na ng official statement na hindi iiwanan ni Kris ang kanyang mga shows dahil may kontrata siya, lalo na ang mga franchise shows kung saan siya kabilang.

<i>Alam na ‘di siya basta-basta p’wedeng mag-quit</i><br>Kris Aquino, drama lang ang pag-resign sa showbiz?!As usual, dahil siya ang tinaguriang Queen of All Media, nakalampag ang media sa deklarasyon niya, pero ang lahat nauwi pa rin sa kapakinabangan niya.

USAP-USAPAN SA mga social network ang pag-iyak ni Kris on television. Pero hati ang opinion ng publiko.

Is it real or just another show to get the sympathy of the public para sa sinasabi niyang sa kapakanan ng kanyang anak na nata-trauma at nada-drag sa iskandalo?

Noong gabing humagulhol si Kris on national TV para idaing ang kasalukuyang sitwasyon ng buhay nila, mas lalong hinila niya ang anak sa iskandalo.

I just wonder kung bakit ang isang isyung p’wede nilang pag-usapan ni James ay kailangan pa niyang i-broadcast the fact na nakaabang ang media sa bawat galaw at desisyon na gagawin niya.

Granting si James ang naunang nagpa-interview, bakit niya kailangagn sagutin ang isyu na p’wede naman nilang ayusin ng dating mister off-camera?

If my memory serves me right, last Thursday was a big event in showbiz para pagpistahan ng bawat Pinoy na tagasubaybay ni Kris.

It’s almost a decade (September 2003) na rin pala noong una siyang huma-gulhol at nagsumbong sa publiko na isa siyang battered woman (girlfriend) ng dating boyfriend na si Joey Marquez.

Sinumbong din niya sa publiko na dahil kay Marquez, nahawahaan siya ng STD.

10 years ago, habang humahagulhol at nagsusumbong siya sa publiko ay kasama niya ang ina niya. Noong Huwebes, naulit muli ang sitwasyon. Pero this time, kasama niyang umaalalay ang mga ate niya (hindi raw alam ni P-Noy ang mga nangyayari, say ng Ate Ballsy niya).

Ang reaksyon ng publiko sa social network, sana pa-ngatawanan ni Kris ang sinabi that she’s quitting showbiz, say ng nakararami, no more alibis. Stop the drama.

Kung kelan, abangan na lang natin ang mga susunod na mga kabanata.

Basta si Bimby, hindi lusot sa iskandalo. Si Bimby pa rin ang biktima sa lahat ng drama, totoo man ang akusasyon niya kay James o kung sino man ang nagsasabi sa kanila ng totoo.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING