Alam daw kasi niyang iisnabin lang John Estrada, ‘di kukuning ninong ng anak si Willie Revillame!

ADVERTISING

 Alam daw kasi niyang iisnabin lang John Estrada, ‘di kukuning ninong ng anak si Willie Revillame!

 Alam daw kasi niyang iisnabin lang John Estrada, ‘di kukuning ninong ng anak si Willie Revillame!

IBA ANG SIGLA ni John Estrada nang makakuwentuhan namin recently matapos ang live airing ng Happy Yipee Yehey.  Obviously, masaya kasi siya sa piling ng asawa niyang si Priscilla Meirelles.

“Okey na okey,” aniya nga. “Excited na kami kasi malapit na ang February na due ng pa-nganganak niya.”

Baby girl daw ang para-ting nilang munting anghel. Pero wala pa raw silang naiisip na ipapangalan.

ADVERTISING

“Pinag-iisipan pa namin. Tumitingin pa kami sa mga… una ang tinitingnan namin eh, Bible. Pero, ah… hindi pa kami solved talaga, so wala pa kaming exact full name.”

Kumusta naman ang naging paglilihi ni Priscilla? Hindi ba ito nahirapan?

“Medyo su-werte naman dahil wala naman… hindi naman siya masyadong nahirapan sa pagbubutis niya. Siguro ‘yong first few months lang… nakita ko siya na sumusuka. Konting kain, kapag hindi niya nagugustuhan, medyo isinusuka niya.  But now, okey na.”

Ano ‘yong laging iniri-request sa kanya ni Priscilla no’ng time ng paglilihi nito?

“Uhm… ang alam ko, malakas siya sa cheese, eh. Mahilig siya sa keso. So, ‘yon lang ang parati niyang… kapag naggu-grocery kami, marami siyang kesong binibili,” natawang sabi pa ni John.

Pagkapanganak ba ni Priscilla, papayagan niya itong maging active ulit sa showbiz kung gugustuhin ng dating Brazilian model-beauty queen?

“Never naman talaga siyang naging active sa showbiz. Ah… mas more siya sa commercials at modeling. Pero kung anuman ang gusto niyang gawin eh, susuportahan ko siya.”

Tangkain kaya niyang kuning ninong ang dati niyang bestfriend na si Willie Revillame?

“Ah… to be honest, hindi siguro. Dahil alam kong hindi naman siya pupunta. At hindi naman niya ia-acknowledge iyon, e.”

Kung sabagay, bestman nga sana si Willie sa kasal nila ni Priscilla pero umatras ito nang magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan.

“Malalim ang sama ng loob niya sa akin. Na siguro naman in time, makakalimutan niya rin.”

Magpa-Pasko na. Sana nga’y magkabati na sila.

 

SA NOVEMBER 21, magsisimula nang umere sa TV5 ang bagong primetime series ng TV5. Ito ay ang movie remake ng pelikulang PS I Love You na pinagbidahan noon nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Balik-tambalan ito nina Alex Gonzaga at Kean Cipriano. At balitang parang bago pa lang silang magtatambal na nagkakailangan pa sa isa’t isa to think na naging magkapareha na sila dati sa BFGF.

“Siguro dahil nagkaroon kami dati ng konting misunderstanding ni Kean,” pag-amin ng isa sa host ng Juicy Express.  “Tapos, siguro parang ngayon, eh… starting all over kami ngayon ni Kean ng friendship namin. Kaya… ayon.”

Ayaw naman nang idetalye pa ni Alex kung ano ‘yong misunderstanding na namagitan sa kanila ni Kean dati.

Wala ba talagang ligawan na nangyari sa kanila dati?

“Hindi ko alam!” napabungisngis ulit si Alex. “Siguro parang… naging close kami dahil sa trabaho. Tapos ‘yon… nagkaroon lang ng konting misunderstanding. Pero ngayon, at least kilala na namin ang isa’t isa. Alam na namin ‘yong hindi namin alam tungkol sa isa’t isa dati. Kasi siyempre, nagkakapaan pa kami dati no’ng una kaming magkasama sa trabaho. Ngayon at least alam ko na… ah, ayaw ni Kean ng ganito. Tapos siya rin, alam niya… ah, ayaw ni Alex ng ganito. So, feeling ko mas okey ‘yong ganito na… nag-start kami na parang hindi pa rin kami gano’n ka-close.”

Alam niya na nali-link nga-yon si Kean sa pamosong stylist na si Liz Uy? “Oo!” matipid na sagot niya bago napangiti.

Nabibiro ba niyang tanungin si Kean tungkol do’n? “Ay, hindi naman po. Narinig ko lang naman po ‘yon. Pero siyempre, ano… hindi kasi kami talaga ano, e… Alam mo, para ngang mas close pa nga ako sa ibang kasama namin. Kasi si Kean, minsan-minsan lang nagti-taping. Hindi pa kaming masyadong eksena together.”

‘Yun na!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING