Alaga ng pakialamerang manager, nasa alanganing sitwasyon

BLIND ITEM: Nasa “alanganing” kalagayan ngayon ang alaga ng isang pakialamerang manager, pakialamera in the sense that the latter should have a say on the editorial content of a program, kung saan isiniwalat ng kanyang starlet namang alaga ang kinapapalooban nitong sitwasyon.

Sobra ngang pushy ang manager na ‘yon to think that a.) ang pinoproteksiyunan niyang alaga never made it; b.) sinalo lang naman ang starlet na ‘yon ng isang istasyon para bigyan ng trabaho; c.) both a and b.

Dahil sa kaartehan ng manager na ‘yon, tuloy masasabunutan mo ang alaga niyang itago na lang natin sa alyas na Cypress Shaquira. Worse, makakalbo mo naman ang manager ni Cypress na itago na lang natin natin sa alyas na Rebecca Aguinaldo.

By Ronnie Carrasco