Aktres A, sinapit din ang tadhana ni Aktres C, dahil sa kapangyarihan ni Aktres B sa network

ADVERTISING

BLIND ITEM: Mula mismo kay Aktres A namin narinig ang kuwento how Aktres B wields her power sa isang network. In fact, si Aktres B ang inireklamo noon ni Aktres C why the latter’s shows came few and far between, her gripes reaching as far as the station’s top honchos.

As a result, napilitang lumipat ng ibang istasyon si Aktres C only to return, kesehodang kinailangan niyang lunukin ang kanyang pride sa ngalan ng trabaho at ng political agenda—to top it all—ng kanyang asawa.

ADVERTISING

Habang ikinukuwento noon ni Aktres A si Aktres B tungkol sa pagiging makapangyarihan nito, hardly did she (Aktres A) realize na ‘yun din pala ang kanyang sasapitin. Reportedly, the unseen hand of Aktres B was the main reason kung bakit bumaho ang dating mabangong pangalan ni Aktres A, hence her much-vaunted exit na okey lang sa istasyon.

Good riddance nga si Aktres A na itago na lang natin sa alyas na Majayjay Alaska.

By Ronnie Carrasco

ADVERTISING
ADVERTISING