Aktres, OPM sa nagkasakit na kaibigan

ADVERTISING

BLIND ITEM: Natatawa na lang ang isang kaibigang artista nang ibahagi niya ang kanyang kuwento tungkol sa isang aktres na nag-alok ng tulong sa kanya, and nothing was heard from her anymore.

Ang siste, may padrino ang aming actress-friend para ipagbigay-alam sa prospective donor that she was in need of financial help dahil sa pagkakasakit. Kung tutuusin, our friend could have directly contacted the actress dahil kahit paano, they go a long way.

ADVERTISING

Laking tuwa naman ng aming friend nang makatanggap siya ng text message mula sa aktres asking her bank account number. Dala ng hiya, it took our friend two days bago niya itinext ang kanyang bank details.

Pero lumipas ang mga araw, no deposit was made sa account ng aming kaibigan. Hindi na rin daw nagre-reply ang “OPM” actress.

Ni-rationalize na lang ng aming friend, baka may pinagdaraanan sa kanyang lovelife ang aktres lalo’t in love na naman ito ngayon.

ADVERTISING

By Ronnie Carrasco

ADVERTISING