Aktres, napahiya sa pagbeso sa isa pang aktres

ADVERTISING

TINITINGNAN NA lang ng isang aktres ang maganda namang working relationship nila noon ng isang actor, the husband of an actress na minsan na rin niyang nakasama sa isang pelikula.

‘Yun nga lang, ang hindi naman masasabing malalim nilang pagkakaibigan out of doing a single film together ended on a sour note.

ADVERTISING

At a recent grand showbiz event, namataan ng aktres ang mag-asawa enjoying their dinner. How hostile naman could she get kung dededmahin niya ang couple, so what she did ay siya na mismo ang lumapit sa mesa ng mga ito at bineso ang aktres.

Did the other actress reciprocate by “beso-ing back?” No. Sa katunayan, hindi raw nilingon ng misis ng aktor ang bumesong aktres to simply acknowledge her friendly, “bati-na-tayo” gesture.

Da who ang napahiyang bumesong aktres? Itago na lang natin siya sa screen name na Lavina Ponciano. As to the other actress, itago na lang natin siya sa English phrase na Never Mind.

ADVERTISING

By Ronnie Carrasco

ADVERTISING