Aktres, napaghahalataan ang pagiging plastikada

ADVERTISING

BLIND ITEM: Napaghahalatang isang “non-biodegradable” (read: plastic) ang isang aktres nang sabihin niya sa press na isa raw sa kanyang mga pangarap ay magkaroon ng isang stage play.

Isang martial arts ang tema ng dulang pagbibidahan ng hitad, isang kakaibang experience kumpara sa nakasanayan na niyang trabaho sa telebisyon.

ADVERTISING

Sa kanya raw aabangang stage play, she gets to flex her muscles sa pakikipagbuno sa iba’t ibang larangan ng pisikal na challenges.

Basagan daw nang basagan ng mukha!

With such a beautiful face na nakapanghihinayang namang mabasag at magkadurug-durog into pieces, hindi kaya mas nauna nang nabasag at nadurog ang kanyang image dahil sa kawalan ng wastong asal ni… Rhodora Marinella?

ADVERTISING

By Ronnie Carrasco

ADVERTISING