Aktres, nambulyaw sa matandang naka-wheelchair

ADVERTISING

BLIND ITEM: At times, we deserve to be given a dose of our own medicine.

Kuwento ito tungkol sa isang showbiz couple na bumaba sa isang ospital mula sa kanilang sasakyan. Tamang-tama namang may isang wheelchair-bound yet wealthy-looking elderly woman sa labas ng gate, probably waiting for her car.

Dahil nagtama ang kani-kanilang mga tingin, minasama pala ng aktres ang titig ng matandang babae which she (actress) mistook for a dagger look. Imbiyerna ang aktres sabay pasigaw sa matanda ng, “O, ano’ng tinitingin-tingin mo diyan?!”

Na-shock siyempre ang lola na bumuwelta sa aktres, “Hoy, hindi kita kilala, ‘no! Sino ka bang punyeta ka?!”

Para wala nang gulo, nagyaya nang umalis ang nobyo ng aktres who later apologized to the elderly woman.

ADVERTISING

Da who ang walang galang sa matanda na aktres na ito? Itago na lang natin siya sa pangalang Mary Ann de Vera.

By Ronnie Carrasco

ADVERTISING