Aktres, nakasusuka ang baho ng hininga – Cristy Fermin

ADVERTISING

[ad#post-ad-box]
Aktres, nakasusuka ang baho ng hininga - Cristy Fermin

Aktres, nakasusuka ang baho ng hininga - Cristy FerminNGAYONG HAPON NA ang kasal nina Senador Mar Roxas at Korina Sanchez sa Sto. Domingo Church, walang nabago sa mga una nilang plano, ang kinansela lang ay ang reception, na dapat sana’y gaganapin sa Araneta Coliseum.

ADVERTISING

Ninanamnam na ni Ate Koring ang mga huling oras ng kanyang pagiging dalaga, bukas ay Mrs. Roxas na siya, sa wakas ay mararanasan na rin ng magaling na news anchor ang paglalakad sa altar.

Kung matatandaan, ilang taon na ang nakararaan ay nakatakda na rin sana siyang ikasal sa isang personalidad na kilalang-kilala rin ang pamilya, pero hindi ‘yun natuloy.

Ayaw nang idetalye pa ni Korina ang mga dahilan kung bakit, mas gusto na lang niyang isipin na hindi sila dinisenyo para sa isa’t isa, kinalimutan na niya ang kaganapang ‘yun.

ADVERTISING

Nakapagpagawa na sila ng imbitasyon, tapos na rin ang damit niyang pangkasal, pero nagkaroon ng mga pagbabago sa plano.

Dahil si Senador Mar ang kanyang pakakasalan, ibig sabihi’y talagang sila ang nakatakda para sa bawat isa, ayon na rin sa news anchor ay mamahalin niya ang pulitiko ngayon, bukas at magpakailanman.

Maganda ang kanilang usapan, nandiyan lang sila para sumuporta sa bawat isa, pero hindi nila panghihimasukan ang mga larangang kinabibilangan nila.

“Hindi ako patitigilin ni Mar sa trabaho ko, tuloy ang pag-iikot ko, tuloy ang newscasting ko, hindi niya ako sinasabihang huwag nang magtrabaho. He will not try, dahil alam niya na kung ano ang isasagot ko sa kanya,” tumatawang pahayag ni Korina.

Maligayanag bati sa mga bagong kasal!

MINSAN PANG PINATUNAYAN ng ilang kaibigan namin kung gaano katindi ang amoy ng hininga ng isang maganda at magaling na aktres. Noon pa ‘yun ibinubulong sa amin ng isang TV host, ito raw ang natokang mag-interbyu sa aktres nu’ng makipaghiwalay siya sa kanyang karelasyon, pero ang mas tumatak sa isip ng TV host ay hindi ang kanyang mga sinabi tungkol sa hiwalayan nila ng ama ng kanyang anak kundi ang masangsang na amoy ng hininga ng aktres.

Natatandaan pa naming kuwento ng kasamahan naming TV host, “Ang akala ko, e, mabaho lang ang ginagamit kong microphone. May naaamoy nga kasi akong hindi maganda habang nag-uusap kami.

“Pero wala naman, mabango pati ang sponge ng microphone, hindi du’n ang problema. Nu’ng tapos na ang interview, nagkuwento pa uli siya sa akin pero off-the-record na lang daw ‘yung mga sinasabi niya.

“Natural, up close and personal ang drama namin, bumubulong-bulong pa siya sa akin para huwag siyang marinig ng mga nasa paligid. Du’n ko naamoy ‘yung kakaibang ewan!

“Ang baho talaga! Sobrang baho ng hininga niya! Pero buo naman ang teeth niya, walang problema sa mga ngipin niya, e,” kuwento ng TV host.

Kailan lang ay ganu’ng-ganu’n din ang kuwento ng mga kaibigan namin, naamoy raw nila ang hininga ng aktres, malapit na raw silang masuka nang sabay-sabay dahil sa sobrang bantot ng naamoy nila.

“It’s true, there’s nothing wrong with her teeth, pero remember, lagi niyang sinasabi ang pagda-diet niya, ‘di ba? It has something to do with that siguro, parang halitosis ang reason, affected ng pagda-diet niya ang sikmura niya.

“Pramis, may bad breath talaga siya, sobrang baho ng hininga niya! Sayang, ang galing-galing pa naman niyang umarte at maganda siya, ha?” komento pa ng aming kausap.

Kung sino ang maganda at magaling na aktres na ito ay hindi namin sasabihin. Pero kayo mismo ang hahamunin namin, kaya ba ng powers n’yo na tagalan ang ganu’ng klaseng hininga?

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

ADVERTISING