Aktres, nagbenta ng nakasanlang house and lot! – Tita Swarding

Aktres, nagbenta ng nakasanlang house and lot! - Tita Swarding

Aktres, nagbenta ng nakasanlang house and lot! - Tita SwardingOLA CHIKKA! MAHULAAN n’yo kaya kung sino na naman itong bida sa aking blind item ngayon? Naku  mga kafatid, maloloka kayo dahil hindi na talaga magbabago ang ugali ng aktres na ito na ngayon ay kaaway na rin ng ilang mga showbiz press, huh!

Kahit ipako pa ito sa krus ay tila hindi na ito tatablan ng sakit. Sobra kasi sa pagiging user si aktres na hindi naman sikat.

Naikuwento ng kaibigan ni aktres ang lahat-lahat sa akin. Naloka akong bigla dahil naibenta na pala ni aktres ang dalawa nitong bahay at lupa na ‘yung isa ay nakasangla sa bangko ng P2.7M.

Hindi nag-atubili ang kaibigan ni aktres na tulungan ito dahil malapit nga ito sa kanya, ngunit walang magawa ang kaibigan dahil ang bangko mismo ang naghahabol ngayon sa laos na aktres, dahil malapit nang matodas o maremata ang house and lot na nakasanla.

Hesusmaryosep! Kawawang kaibigan ni aktres at nagoyo siya. Ganu’n naman talaga ang ugali ng laos na aktres kahit na noon pa, pero tila pinalalabas lang nito sa kabilang tenga ang mga salitang ibinabato sa kanya.

Sa ngayon, si aktres ay nagtatago kaya galit na galit sa kanya ang kanyang kaibigang aktres na niloko niya. Ang sabi, sumama na raw siya sa kanyang karelasyon ngayon. Nakakaloka, huh!

DAHIL UNDAS NGAYON, may another blind item na naman ako sa inyo. Mahulaan n’yo kaya kung sino ito na isa rin pala sa nagpalaglag ng baby sa isang sikat na hospital dito sa Metro Manila?

Sikat itong si aktres pero ang nakakaloka, hindi na mabilang sa daliri nito ang mga lalaking naging kanyang karelasyon.

Ang tsika, nabuntis raw itong si magandang aktres at ewan dahil bigla na lang naisipan ng hitad na ito ang magpalaglag. Siguro, dahil sa takot niya na mawala ang kanyang kinang ng showbiz ay bigla na lang itong nagpa-abort.

Isa pa, hindi siya pananagutan ng lalaking nakabuntis sa kanya dahil alam ng aktor na marami itong boylets. Baka raw kasi hindi si aktor ang ama ng bata at sa kanya lang ipinapasagot ang responsibilidad, huh!

Ayun, nawindang si magandang aktress kaya naisipan niyang ipa-abort na lang ang batang walang kamalay-malay. Kawawang baby. Sana multuhin ka, ha? Ha? Manakot daw ba?

Nakakaloka,  huh!

Ang clue para sa aktress na ito ay naging boyfriend niya ang anak ng isang TV host actor.’yun na!
NALOKA AKO SA aking friend na si Maricar na pabalik-balik na lang sa Japan ngayon. Nali-link pala siya ngayon kay Gerald Madrid. Pa-etching pa kayo… ha-ha-ha!

Suportado ng beauty ni Maricar ngayon si Gerald kaya kung ano ang desisiyon ng hitad ay tila nahi- hypnotized ang aktor at okay lang sa kanya ang lahat, bonggacious, ‘di ba?

Ngayon ay pabalik na papuntang Japan ang guwapong aktor upang magtrabaho at mag-hosto. Susundan siya ng friend kong si Maricar at pagbalik nila ay plano nilang gumawa ng pelikula.

Ang nakakaloka ay hindi na raw si Direk Buboy Tan ang kukunin nitong direktor at iba na. Hmmm… may naaamoy akong hindi maganda diyan, huh!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding